By Lawrence, Program Manager for Learning and Development, Active Vista Center Inc. Kung may hinihintay man ang karamihan ng mgaBy Lawrence, Program Manager for Learning and Development, Active Vista Center Inc. Kung may hinihintay man ang karamihan ng mga

Disconnection Notice: Panahon ng Singilan

2026/05/01 11:01
3 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at crypto.news@mexc.com

By Lawrence, Program Manager for Learning and Development, Active Vista Center Inc.

Kung may hinihintay man ang karamihan ng mga manggagawang Pilipino, madalas ay ang kinsenas at katapusan ng buwan. Kalimitan ay parang tubig lang na dumudulas sa palad ang bunga ng ilang linggong pagkayod. Pero bago pa man makarating sa bulsa ng mga manggagawa ay nakaabang na ang mga makikihati sa sahod.

Ang orihinal na konsepto ng minimum wage ay sapat para bumalik ang manggagawa kinabukasan. Tila ba’y parang isang manok: isang kahig, isang tuka. Pero mabuti pa ata ang manok dahil matapos kumahig, diretso sa sikmura. Hindi tulad ng manggagawa, maraming kahig ang kailangan para mabayaran ang dapat bayaran. Dahil karamihan sa mga ito ay may due date. Bago pa man umabot sa tinakdang oras, ay dapat may sapat nang patuka. Gayunpaman, hindi lahat ng manok ay magkakatulad. May ibang manok na kailangang kumahig ng mas mahabang panahon at may ibang naghihintay lang. Kung may pagkakapareho man, iyon ang patutunguhan ng dalawang manok—sa kalan. Tama na ang paggamit ng manok bilang halimbawa. Kahit na magandang gawing pagwawangis ito sa buhay ng manggagawa, hindi naman lahat ay kayang mag-ulam nito. At habang tumataas ang presyo ng pagkain, tubig, at kuryente, tumaas din ang presyon ng dugo ng mga mamimili. Idagdag mo pa ang init ng panahon at init ng ulo ng taumbayan tuwing parating na ang araw ng singilan at due date.

Kung may malaking utang man sa atin ang gobyerno, isa sa mga ito ay ang pagpapaunlad ng buhay ng manggagawa sa pagpapataas ng halaga ng sahod. Dahil lantad ang pagkakaiba ng nominal wage at real wage. Ang nominal wage ay tumutukoy sa halaga ng sweldo, samantalang ang real wage ay isinasaalang-alang ang inflation. Madalas ay mas mabilis pang tumaas ang presyo ng bilihin kaysa sa halaga ng sahod. Tuwing naghahangad naman ang mga manggagawa ng dagdag sa sahod, binabarat pa ng mga mambabatas ang pagtaas. Tila ba’y kung may kinakatawan ang mga mambabatas, palaging ang mga nasa itaas.

May kaltas din ang katas ng pagod bago pa man makarating sa manggagawa. Sa bawat bayarin—langis, kuryente, at iba pa—ay may bahagi ang gobyerno. Malaki rin ang utang ng gobyerno hinggil sa serbisyo publiko. Kapos ang pagsingil kung kinakailangan ng mga tao na maghintay ng ilang oras para lang maasikaso sa isang pampublikong ospital. Hindi rin sapat na parang pinakikiusapan ang sektor ng edukasyon na magbigay ng kalidad na pag-aaral. Hindi katumbas ng ambagan ang sitwasyon ng mala-sardinas na manggagawa tuwing sumasakay sa LRT at MRT. Kung required ang ambagan, dapat required din ang singilan.

Hindi rin dapat kalimutan ang mga hindi nag-aambag, pero kumukubra ng ambag ng iba. Imbes na naglilikod sa bayan, ay nakatuon ang buong atensyon sa kaban. Samantalang tuwing eleksyon ay kulang na lang ay kumain ng bubog para lang ipakita na sila ay katulad lamang. Pero pagkatapos magpakita para mangako, sa oras ng singilan ay bigla na lang naglalaho. Matatanaw sila sa tuktok ng manipis na tatsulok.

Ngayong Mayo Uno, dapat maalala natin na tayo ay may karapatang maningil. Singilin ang mga may obligasyon para pabutihin ang ating buhay, kabuhayan, at pamumuhay. Singilin ang ipinagkait na serbisyo na nararapat sa taumbayan. Singilin ang mga opisyal na imbes na kumatawan sa ordinaryong Pilipino ay nagiging tagapagsalita ng mga nasa tuktok ng lipunan.

Tulad ng disconnection notice, bigyan natin ang mga nakaupo ng due date. Paalala na may hangganan ang trabahong dapat nilang ginagampanan. Hindi ito pakiusap o hiling–ito ay pagtupad sa sinumpaang tungkulin.

Market Opportunity
Ethervista Logo
Ethervista Price(VISTA)
$1.3339
$1.3339$1.3339
-2.83%
USD
Ethervista (VISTA) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact crypto.news@mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.