Ginawang palengke ng pulitika ni Alan Peter Cayetano ang SenadoGinawang palengke ng pulitika ni Alan Peter Cayetano ang Senado

[EDITORIAL] Wala palang impunity, Bato; No permanent friends, Cayetano

2026/05/18 12:42
Okuma süresi: 4 dk
Bu içerikle ilgili geri bildirim veya endişeleriniz için lütfen crypto.news@mexc.com üzerinden bizimle iletişime geçin.

Sa pinakahuling balita, malaking palaisipan kung may majority pa si Alan Peter Cayetano sa Senado dahil nakaalpas na si Senador Bato dela Rosa. At best, mayroon siyang 12 na boto kasama ang person of interest ng National Bureau of Investigation na si Senador Robin Padilla.

At may isa pang breaking news na may direktang tama kay Bato: sinabi ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na dapat ibasura ang petisyon ng temporary restraining order ni Dela Rosa na gustong pigilan ang International Criminal Court arrest warrant laban sa kanya.

Ayon sa OSG, Dela Rosa’s conduct “clearly places him within the definition of a fugitive from justice.”

Nakapanlulumo kapag mismong mga senador, na dapat ay ehemplo ng decency at integrity ay nako-call out ng kanilang constituents at peers. Tulad na lang ni Senadora Loren Legarda — tinanggal ang larawan niya sa Wall of Empowered Women ng Assumption College San Lorenzo. Malayong-malayo ang Loren ngayon sa bagitong senadora noong panahon ng impeachment ni dating president Joseph Estrada na nagpamalas ng walang bahid ng pulitikang pagkilatis sa second envelope ni Jose Velarde. Nasaan na ang Loren na iyon? 

At andiyan din ang senador na tinawag ng Rappler columnist Joey Salgado na “scripture-quoting politician of breathtaking hypocrisy” — si Cayetano. Nanawagan ang mga kapwa student activist noong araw ni Cayetano sa UP na mag-resign na siya. Sabi nila, nagpamalas daw si Cayetano ng “profound failure in judgment, leadership, and institutional responsibility.”

Sabi naman ni political analyst Ronald Llamas: “Barely a week into Cayetano’s leadership, [the Senate] harbored a fugitive, obstructed justice, aided and abetted an escape and transformed into a shooting range.” Sabi pa ni Llamas, hindi “under attack” ang Senado ng external forces, si Cayetano raw ang umatake sa Senado.

Sa kagustuhan ni Cayetano na protektahan si Vice President Sara Duterte, muntik na raw “ma-obliterate” ang integridad, kredibilidad, at democratic values ng Senado.

Mabilis na nagde-develop ang mga pangyayari at maaring hindi na maging SP si Cayetano sa susunod nating pagkurap.

Kung saka-sakali, ‘wag nating kalilimutan ang trahedya ng sandaling pag-upo ni Alan Peter: ginawa niyang palengke ng pulitika ang Senado.

At hindi lang si Cayetano kundi ang swing votes ng dating mayorya ang dapat singilin: si Legarda na ayon sa mga source ay hell-bent na pangalagaan ang anak na si Leandro Leviste na inaakusahang pinagkakitaan ang solar energy sector. Andiyan ang magkapatid na Mark at Camille Villar na notoryus sa paggamit ng pulitika bilang shield sa family businesses.

At siyempre si Pia Cayetano, ang pekeng pemenista na sumuporta sa misogynist na Rodrigo Duterte, at laging sunud-sunuran sa kapatid pagdating sa pulitika. Kahit ang mga nag-abstain na Migz Zubiri at JV Ejercito ay dapat magpaliwanag.

Muling pinatunayan ng kasaysayan na sa pulitika, there are no permanent friends, only permanent interests. Senators Legarda, Villar siblings, at Pia Cayetano — baka may kuweba sa impiyerno kung saan puwedeng maging kapita-pitagang lider si Alan Peter, pero hindi riyan sa Senado.

Dati, sabi ni Bato, no problem kung hulihin siya ng ICC dahil at least maaalagaan niya ang matandang Duterte sa kulungan sa The Hague. Pero nahulas na lahat ng pagbabalat-kayo na ‘yan. Napagtanto na niya na ito na ang prelude sa maaari ay habambuhay niyang pagkakabilanggo. Sa bandang huli, ipinamukha ng universe kay Bato na walang impunity lalo na kung crimes against humanity.

Sana, napagtanto rin ni Bato na ginamit siya ni Cayetano upang mang-agaw ng kapangyarihan at mag-consolidate ng turf para pangalagaan ang anak ng kanilang amo — si Vice President Sara Duterte. Sana, na-realize na ni Bato na expendable pawn lang siya sa chess game ni Cayetano at Duterte.

Nangangalingasaw ang pagbubukas ng impeachment trial — smells fishy — dahil na rin sa puwestuhan ng mga senator-judges. Senyales ba ito na wala tayong aasahang patas na paglilitis?

Pero nangangalahati pa lang ang araw, at marami pang magaganap. Abangan ang susunod na kabanata. – Rappler.com

Sorumluluk Reddi: Bu sitede yeniden yayınlanan makaleler, halka açık platformlardan alınmıştır ve yalnızca bilgilendirme amaçlıdır. MEXC'nin görüşlerini yansıtmayabilir. Tüm hakları telif sahiplerine aittir. Herhangi bir içeriğin üçüncü taraf haklarını ihlal ettiğini düşünüyorsanız, kaldırılması için lütfen crypto.news@mexc.com ile iletişime geçin. MEXC, içeriğin doğruluğu, eksiksizliği veya güncelliği konusunda hiçbir garanti vermez ve sağlanan bilgilere dayalı olarak alınan herhangi bir eylemden sorumlu değildir. İçerik, finansal, yasal veya diğer profesyonel tavsiye niteliğinde değildir ve MEXC tarafından bir tavsiye veya onay olarak değerlendirilmemelidir.

No Chart Skills? Still Profit

No Chart Skills? Still ProfitNo Chart Skills? Still Profit

Copy top traders in 3s with auto trading!